"IBA'T IBANG PINAGMULAN NG WIKA (TEORYA)"
1. TEORYANG BOW -WOW:
Ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng
tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon. Ginagaya naman daw ng tao ang
tunog ng kalikasan at paligid gaya ng ihip ng hangin, patak ng ulan at
langitngit ng kawayan.
2. TEORYANG DING DONG:
Lahat ng bagay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa
bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na
kalauna’y nagpabago-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
May sariling tunog na kumakatawan sa lahat ng bagay sa
kapaligiran. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog. q Halimbawa:
tsug- tsug ng tren, tik- tak ng orasan
3. TEORYANG POOH -POOH:
Nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang
bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot,
galit, saya at paglalaan ng lakas.
Ang wika ng tao ay nag –ugat sa mga tunog na kanilang
nilikha sa mga ritwal na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang
kahulugan.
Halimbawa: pagsayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong na
ginagawa tuwing makikidigma, pagtatanim at iba pa.
4.TEORYANG TA-RA-RA- BOOM DE AY:
Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay
nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga
bulalas- emosyunal.
5. TEORYANG SING-SONG:
Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga
unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na
pinaniniwalaan ng marami.
6.TORE NG BABEL:
Teoryang nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Nagkaroon ng
panahon kungsaan ang wika ay iisa lamang. Napag-isipang magtayo ng isang tore
upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon.
Nang malaman ito ng Panginoon, bumababa Siya at sinira ng
tore. Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na
ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.
7. TEORYANG YOO HE YO:
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S Diamond (2003) na ang
tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang puwersang pisikal.
8. TEORYANG TA -TA:
Ayon sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na
kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging
sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita.
Tinatawag itong ta-tana sa wikang Pranses ay
nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang
nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at
pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
9.TEORYANG MAMA:
Nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng
pinakamahahalagang bagay.
Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya
masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita
ang pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa
salitang mother.
10.TEORYANG HEY YOU:
Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng
interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika.
Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya
ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo
bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong
teoryang kontak.
11.TEORYANG COO COO:
Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga
sanggol.
Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang
pagpapangalan sa mga bagay- bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami
na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.
12. TEORYANG BABBLE LUCKY:
Ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng
tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi
sinasadya at walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga
bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.
13. TEORYANG HOCUS POCUS:
Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika
ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng
ating mga ninuno.
Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga
hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng
bawat hayop.
14.TEORYANG EUREKA:
Sadyang inimbento/nilikha ang wika ayon sa teoryang ito ayon
kay (Boeree, 2003). Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda
ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.
Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong
kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-
bagay.