Sunday, October 29, 2017

LET REVIEWER: GENERAL EDUCATION - FILIPINO - Reviewer 1

Piliin ang titik ng tamang sagot. Kung walang tamang sagot, isulat ang titik E.

Sagutin muna ang mga tanong bago hanapin ang tamang sagot. Sa ganitong paraan, matututo tayo at hindi na muling magkakamali sa tunay na LET.


1. Dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa at kawalan ng hanapbuhay, naging masalimuot ang buhay ni Rosa. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?

A. mahirap
B. problemado
C. napakahirap maintindihan
D. maalwan

2. Agad na tumulo ang mga luha ni Fatima nang buskahin ng mga kaibigan. Siya ay may pusong-talusaling. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?

A. iyakin
B. mapanukso
C. sensitibo
D. maawain

3. Ang taong may himutok ay nagsasabi ng mga sumusunod maliban sa isa.

A. pangarap
B. sama ng loob
C. hinagpis
D. hinaing

4. Mahirap na ngayong makakita ng mga mayayamang may busilak na puso. Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit?

A. malinis ang kalooban
B. mabait
C. matapobre
D. garapal

5. Ang pangarap na maging kabiyak ni Armando ay isang dalagang mabini.  Nais niya ang babaing may mga sumusunod na katangian maliban sa isa.

A. masinop
B. mahinhin
C. maingat
D. mabait

6. Kinatutuwaan ng mga kaibigan si Pedro dahil siya ay adelantado. Siya ay dumarating

A.  sa itinakdang oras ng tipanan
B.  sa oras na lampas na ang tipanan
C.  nang masyadong maaga sa oras ng tipanan
D.  matapos sabihing siya ay mahuhuli sa tipanan

7. Maraming nagsasabing ang ilang pulitiko ay sagwil sa pag-unlad ng bansa. Ang salitang may salungguhit ay maaaring palitan ng salitang

A. hadlang
B. katulong
C. kaagapay
D. susi

8. Kailangan ng Nanay ng isang kampit. Siya ay binigyan ni Ate ng

A. maliit na palakol
B. maliit na asarol
C. maliit na kutsilyo
D. maliit na gunting

9. Nahihirapan si Mang Donato na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya dahil kakarampot ang kanyang suweldo. Ano ang hindi mo masasabi sa kanyang kinikita?

A. hindi sapat
B. kakaunti
C. kaysa lamang
D. kulang

10. Kahit ano ang gawin ng Mamay ay hindi niya maapuhap ang kanyang sambalilo.  Ano ang dapat mong gawin sa sambalilo?

A. itago
B. hanapin
C. linisin
D. iabot

11. Laging ipinaaalala ng kapulisan na mag-ingat sa naglipanang kawatan sa mga lansangan ng Maynila. Ano ang estado ng lungsod?

A. Nagkalat ang mga magnanakaw
B. Laganap ang mga gumagamit ng droga
C. Nagsisikip ang mga lansangan sa mga tao
D. Kaalyado ng mga pulis ang mga masasamang-loob

12. Masyadong pihikan si Maria sa mga manliligaw. Nais niyang maging kabiyak ang isang binatang-taring. Ang hinahanap niya ay isang

A. responsableng lalaki
B. lalaking may hanapbuhay
C. lalaking-lalaki
D. lalaking kaya niyang manduhan

13. Isa palang alibugha ang napakasalan ni Manolo. Lubos sana ang kanyang kaligayahan kung ito ay isang babaeng

A. taksil
B. masipag
C. maganda
D. tapat

14. Hindi na nakikinig ang mga tao sa talumpati ng kanilang punong-lungsod dahil ito ay palasak na. Ang laman ng talumpati ay

A. puro kasinungalingan
B. karaniwan na lamang
C. pambobola lamang
D. patutsada sa kalabang pulitiko

15. Pangaralan habang maaga ang mga anak upang hindi lumaking mga tampalasan. Anong salita ang hindi maaaring ipalit sa salitang may salungguhit?

A. suwail
B. walang-pakundagan
C. mabait
D. imbi

Mga sagot:

1-C  2-C  3-A  4-C  5-A  6-C  7-A  8-C  9-C  10-B  11-A  12-C  13-D  14-B  
15-C

Mag-iwan lamang ng komento kung may maling sagot. Salamat!





No comments:

Post a Comment