Tungkulin ng Wika
(Image from http://clipart-library.com/clipart/8iAEyg78T.htm)
Ayon kay Michael A. K.
Halliday
1.Regulatori - ang wika ay ginagamit upang kumontrol at
gumabay sa kilos at asal ng iba. Halimbawa: kung hindi sinunod ng isang
empleyado ang mga nakasulat sa patakaran,
maaaring maging dahilan ito ng kaniyang pagkatanggal sa trabaho;
pagbibigay-panuto o babala; resipe, direksyon sa paggawa
2. Interaksyunal - ginagamit ang wika sa
pakikipag-interaksyon sa kapwa o kaya#y sa pagtatatag ng mga ugnayan at
samahang sosyla. Halimbawa: pagbati, pakikipagkaibigan, liham-pangkaibigan.
3. Personal - ito ang pagpapahayag ng sariling paninindigan
at paniniwala hinggil sa mga isyu tulad sa pormal o impormal na
pakikipagtalakayan at iba pa. Halimbawa: panliligaw, editoryal, liham sa
patnugot
4. Imahinatibo - nakatuon ang gamit ng wika sa paglalahad ng
sarili sa maharaya o malikhain at masining na pamamaraan na maaaring kaugnay ng
panitikan. Halimbawa: pagsasalaysay, akdang-pampanitikan (kuwento, nobela)
5. Instrumental - ang wika ay ginagamit bilang instrument sa
pagkamit ng mga layuning nais isagawa o ipatupad sa pagtugon sa mga
pangangailangan ng isang tao. Halimbawa: Sa palengke, layunin ng isang maimili
na mabigyan siya ng diskwento kaya makikiusap siya sa mabuting paraan gamit ang
wika upang makamit niya ang kaniyang layunin; liham-pangangalakal.
6. Representasyunal (Impormatib) - wika ang nagsisilbi o
ginagamit bilang tsanel ng impormasyon, kaalaman at kamalayan. Halimbawa:
pagbabalita, pag-uulat,
pananaliksik-papel
7. Heyuristiko- ginagamit ang wika sa paghahatid ng
impormasyon. Ang wika sa aspektong ito ay nagsisilbing kagamitan sa pagtuklas
ng mga mahahalagang impormasyon o datos. Halimbawa: pagtatanong, sarbey (survey)
Ayon kay Roman Jakobson
1.Kognitibo- gamit ng wika upang maiparating ang mga mensahe
o impormasyon sa kapwa.
2. Konatibo- ginagamit ng tao ang wika upang mangumbinse o
kaya’y makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng kaniyang kakayahan sa
pag-uutos.
3. Emotibo- ginagamit ang wika upang ipahayag ang damdamin,
kaugalian at emosyon.
4. Phatic- gamit ito ng wika upang maitatag ang
pakikipag-ugnayan sa iba.
5. Metalinggwal - ginagamit ang wika upang mawala ang
hadlang o kahirapan sa intensiyon, salita at kahulugan.
6. Poetiko - tumutukoy ito s gamit ng wika sa malikhaing
pamamaraan.
No comments:
Post a Comment