Thursday, September 27, 2018

LET REVIEWER: General Education - FILIPINO

LET REVIEWER: GENED - FILIPINO

1. Siya ang tinaguriang Ama ng Balarilang Pilipino.
A. Bienvenido N. Santos
B. Lope K. Santos
D. Amado V. Hernandez
C. Manuel L. Quezon

2. Ang Makabagong Alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik na dalawampu’t tatlong katinig at limang patinig. Ilan sa mga titik na ito ang hindi kabilang sa abakada noong 1930 hanggang 1976?
A. 3
B. 8
C. 11
D. 5

3. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi diptonggo?
A. aray
B. kami’y
C. aliwan
D. agaw

4. Ito ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na may apat na taludtod at pitong pantig sa bawat taludtod.
A. Awit
B. Korido
C. Tanaga
D. Salawikain

5. Ang nasa ibaba ay isang uri ng _____.

Ako ang nagbayo,
Ako ang nagsaing.
Saka nang maluto’y,
Iba ang kumain.

A. Bugtong
B. Sawikain
C. Tula
D. Salawikain

6. Si Meyor Fernandez ay kilala bilang balimbing na pulitiko. Ano’ng katangian mayroon ang punongbayan?
A. palikero
B. doble-kara
C. sinungaling
D. mainitin ang ulo

7. Nang makakita ng daga ay humiyaw nang humiyaw si Magda sa takot. Aling bahagi ng pangungusap ang pang-abay?
A. Nang makakita
B. daga
C. humiyaw nang humiyaw
D. sa takot

8. MILYA-MILYA ang layo ng naunang mananakbo sa kanyang mga katunggali.
Ano’ng uri ng pang-uring pamilang ang nasa malaking titik?
A. Palansak
B. Panunuran
C. Pamahagi
D. Patakda

9. Ayon sa aking nabalitaan, MAUGONG na si G. Dela Cruz ang mananalong kapitan ng barangay. Ano’ng bahagi ng pananalita ang nasa malaking titik?
A. Idioma
B. Simuno
C. Pang-uri
D. Pang-abay

10. Magaling na maglubid ng buhangin si Aling Leni. Ano ang resulta ng kanyang ginagawa?
A. tsismis
B. himala
C. kasinungalingan
D. palayok

11. Kung magkagayon ma’y, alintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin,
pagka’t himpapawid at ang panganorin,
mga lansangan mo’y aking lilibutin.

Ano ang ibig sabihin ng alintanahin sa unang taludtod?
A. balewalain
B. bigyang pansin
C. kalimutan
D. isabuhay


12. Ayaw magtungo ni Marissa sa isang lugar na di-mahulugang karayom. Ano’ng lugar ito?
A. malawak
B. masikip
C. mainit
D. matinik



13. “Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay may masayang mukha’t may pakitang giliw, lalong pakaingat at kaaway na lihim siyang isaisip na kababakahin!”
Ano ang nasa itaas?
A. Babala
B. Utos
C. Pahayag
D. Saloobin

14. Ano ang HINDI kailangan ng isang guryon para magamit?
A. hangin
B. himpapawid
C. liting
D. bukirin

15. Ito ay isang uri ng panitikan na hango sa Bibliya.
A. pabula
B. parabula
C. kuwentong bayan
D. epiko

16. Si Juana ay bibili ng laptop sa MOA.
Nasa anong kaganapan ang pandiwa sa pangungusap?
A. Kaganapang layon
B. Kaganapang tagatanggap
C. Kaganapang ganapan
D. Kaganapang kagamitan

17. Ang masarap na bungangkahoy ay binili ni Clara para kay Claro. Iniabot niya ito sa kanya kahapon. 
Ano ang salitang “ito” sa pangungusap?

A. panghalip na panaklaw
B. pantukoy na panao
C. pangatnig
D. panghalip na pamatlig

18. Basahin ang sumusunod at sagutin ang tanong.

Pagpapasalamat at napahinga rin,
paalam estranherang kasuyo ko’t aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!

Ano ang nasa itaas?
A. Babala
B. Pasasalamat
C. Pahimakas
D. Pag-udyok

19. Ang pinagmulan ng wika ay ibinase sa kumpas o galaw ng ibang bahagi ng katawan na ginaya ng dila ayon sa theoryang ______.
A. yum-yum
B. ta-ta
C. Hey you!
D. yo-he-ho

20. Anong uri ng tayutay ito: “Mata pa lang, panalo na!”
A. Pagtatao
B. Pagpapalit-saklaw
C. Pagtatambis
D. Pagmamalabis

Mga Sagot: