LET REVIEWER: GENED - FILIPINO
1. Siya ang tinaguriang Ama ng Balarilang Pilipino.
A. Bienvenido N. Santos
B. Lope K. Santos
D. Amado V. Hernandez
C. Manuel L. Quezon
2. Ang Makabagong Alpabetong Filipino ay binubuo ng 28
titik na dalawampu’t tatlong katinig at limang patinig. Ilan sa mga titik na
ito ang hindi kabilang sa abakada noong 1930 hanggang 1976?
A. 3
B. 8
C. 11
D. 5
3. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi
diptonggo?
A. aray
B. kami’y
C. aliwan
D. agaw
4. Ito ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na
may apat na taludtod at pitong pantig sa bawat taludtod.
A. Awit
B. Korido
C. Tanaga
D. Salawikain
5. Ang nasa ibaba ay isang uri ng _____.
Ako ang nagbayo,
Ako ang
nagsaing.
Saka nang
maluto’y,
Iba ang kumain.
A. Bugtong
B. Sawikain
C. Tula
D. Salawikain
6. Si Meyor Fernandez ay kilala bilang balimbing na
pulitiko. Ano’ng katangian mayroon ang punongbayan?
A. palikero
B. doble-kara
C. sinungaling
D. mainitin ang ulo
7. Nang makakita
ng daga ay humiyaw nang humiyaw si Magda sa takot. Aling bahagi ng
pangungusap ang pang-abay?
A. Nang makakita
B. daga
C. humiyaw nang humiyaw
D. sa takot
8. MILYA-MILYA ang layo ng naunang mananakbo sa
kanyang mga katunggali.
Ano’ng uri ng pang-uring pamilang ang nasa malaking
titik?
A. Palansak
B. Panunuran
C. Pamahagi
D. Patakda
9. Ayon sa aking
nabalitaan, MAUGONG na si G. Dela Cruz ang mananalong kapitan ng barangay.
Ano’ng bahagi ng pananalita ang nasa malaking titik?
A. Idioma
B. Simuno
C. Pang-uri
D. Pang-abay
10. Magaling na maglubid ng buhangin si Aling Leni.
Ano ang resulta ng kanyang ginagawa?
A. tsismis
B. himala
C. kasinungalingan
D. palayok
11. Kung
magkagayon ma’y, alintanahin
na ako sa limot
iyong ihabilin,
pagka’t
himpapawid at ang panganorin,
mga lansangan
mo’y aking lilibutin.
Ano ang ibig sabihin ng alintanahin sa unang taludtod?
A. balewalain
B. bigyang pansin
C. kalimutan
D. isabuhay
12. Ayaw magtungo ni Marissa sa isang lugar na
di-mahulugang karayom. Ano’ng lugar ito?
A. malawak
B. masikip
C. mainit
D. matinik
13. “Kung ang
isalubong sa iyong pagdating ay may masayang mukha’t may pakitang giliw, lalong
pakaingat at kaaway na lihim siyang isaisip na kababakahin!”
Ano ang nasa itaas?
A. Babala
B. Utos
C. Pahayag
D. Saloobin
14. Ano ang HINDI kailangan ng isang guryon para
magamit?
A. hangin
B. himpapawid
C. liting
D. bukirin
15. Ito ay isang uri ng panitikan na hango sa Bibliya.
A. pabula
B. parabula
C. kuwentong bayan
D. epiko
16. Si Juana ay bibili ng laptop sa MOA.
Nasa anong kaganapan ang pandiwa sa pangungusap?
A. Kaganapang layon
B. Kaganapang tagatanggap
C. Kaganapang ganapan
D. Kaganapang kagamitan
17. Ang masarap na bungangkahoy ay binili ni Clara
para kay Claro. Iniabot niya ito sa kanya kahapon.
Ano ang salitang “ito” sa pangungusap?
A. panghalip na panaklaw
B. pantukoy na panao
C. pangatnig
D. panghalip na pamatlig
18. Basahin ang sumusunod at sagutin ang tanong.
Pagpapasalamat
at napahinga rin,
paalam
estranherang kasuyo ko’t aliw,
paalam sa inyo,
mga ginigiliw;
mamatay ay
siyang pagkakagupiling!
Ano ang nasa itaas?
A. Babala
B. Pasasalamat
C. Pahimakas
D. Pag-udyok
19. Ang pinagmulan ng wika ay ibinase sa kumpas o
galaw ng ibang bahagi ng katawan na ginaya ng dila ayon sa theoryang ______.
A. yum-yum
B. ta-ta
C. Hey you!
D. yo-he-ho
20. Anong uri ng tayutay ito: “Mata pa lang, panalo
na!”
A. Pagtatao
B. Pagpapalit-saklaw
C. Pagtatambis
D. Pagmamalabis
1B 2B 3C 4C 5D 6B 7C 8A 9C 10C 11B 12B 13A 14D 15B 16D
17D 18C 19B 20B
No comments:
Post a Comment