LET Practice Test – FILIPINO
Piliin ang titik ng wastong sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang walang mali?
A. Taga-Dabaw daw ang kanyang maybahay.
B. Masikip ang pinto ng kanilang babay.
C. Pahiran natin ang dumi sa kanyang mukha.
D. Nagtungo si Melba sa ospital dahil siya ay ooperahan.
2. Hanapin ang pangatnig sa pangungusap na ito:
Hindi siya o ako ang maglilinis ng silid dahil may iba nang maglilinis
dito.
A. hindi
B. ako
C. dahil
D. o
3. Sumasayaw sa hangin ang mga
kawayan. Ano’ng tayutay ang ginamit?
A. pagwawangis
B. pagmamalabis
C. pagtutulad
D. pagtatao
4. Ayon sa kanyang guro, si Manuel daw ay mapurol ang ulo.
A. Siya ay nalilitong umunawa ng mga aralin.
B. Siya ay mabagal magmemorya ng mga aralin.
C. Siya ay walang alam sa mga aralin.
D. Siya ay nahihirapang umunawa ng mga aralin.
5. Ang idad ni Anna Marie ay _______ na.
A. labinpito
B. labing-pito
C. labingpito
D. labimpito
6. Aling pangungusap ang nasa di-karaniwang ayos?
A. Magsasalita sa entablado si Nena.
B. Aakyat siya ng bundok sa Lunes.
C. Tumanggap siya ng plake ng pagkilala.
D. Ako ay si Maria Dela Cruz
7. Aling pangungusap ang tama?
A. Maaalala mo din ako.
B. Umuulan ng malakas nang siya ay pumaroon sa palengke.
C. Mahilig si Dalisay na makinig ng mga kwentong kutsero.
D. Nang dumating ang kanyang nanay, mabilis na naglinis ng katawan si
Petra.
8. Ano sa mga sumusunod ang hindi kasama sa grupo?
A. guryon
B. burador
C. saranggola
D. eroplano
9. Sa aling pangungusap ginamit ang salitang “malakas’ bilang pang-uri?
A. Malakas siyang kumain.
B. Umulan nang malakas nang
siya ay umawit.
C. Siya ay malakas kay Meyor.
D. Malakas ang kita kapag
malapit na ang Pasko.
10. Ano ang editorial sa
wikang Filipino?
A. kuro-kuro
B. lathalain
C. ulong-balita
D. pangulong-tudling
11. Ano sa English ang bokal?
A. vocalist
B. bald
C. local
D. provincial board member
12. Nagtungo sa bakuran si Delilah upang _____ ang mga tuyong dahon.
A. walisan
B. dukutin
C. linisan
D. walisin
13. Maraming tao ang nanood sa konsyerto ni Vice Ganda. Ito ay hindi _______.
A. maliparang-uwak
B. madapuang-langaw
C. makabasag-pinggan
D. mahulugang-karayom
14. Ang kanyang buhay ay isang bukas
na aklat?
A. maraming sekretong itinatago
B. makasaysayan ang buhay
C. maraming aral ang mapupulot
D. walang lihim na itinago
15. “Isilong mo ang mga sampay dahil nagbabadya ang ulan!”, ang utos ni
Aling Trining kay Elisa. Ano ang gagawin ni Elisa?
A. Titiklupin ang mga damit.
B. Ilalagay sa silong ang mga damit.
C. Paplantsahin ang mga damit.
D. Ipapasok sa loob ng bahay ang
mga damit.
16. Si Enrico ay maraming banil
sa katawan. Ano ang mayroon kay Enrico?
A. sugat
B. pekas
C. taghiyawat
D. libag
17. Takbo! Ito ay isang uri ng
pangungusap na _____.
A. padamdam
B. paturol
C. patanong
D. pautos
18. Alin ang hindi kabilang sa grupo?
A. lapis at papel
B. martilyo at pako
C. tisa at pisara
D. paaralan at mag-aaral
19. Habang kinakain, lalo kang gugutumin. Ano ang sagot sa bugtong na
ito?
A. pansit
B. tsokolate
C. arnibal
D. purga
20. Ano ang hindi kabilang sa pamuhatan?
A. bilang at pangalan ng kalye o daan
B. pangalan ng bayan o lungsod
C. petsa ng liham
D. para kanino ang liham
Mga sagot sa ibaba:
=======
Lahat ay D.
No comments:
Post a Comment